COMPOSITIONS
songs
poetry
et cetera
SONGS
vol 1 | vol 2
vol 3 | vol 4
QUOTES
LINKS
SLAMBOOK
sign
| view
|
|
tuwing umuulan at kapiling ka
eraserheads
from the album
the silver album
*partly logged in Vol.3 (page 184) on
April 8, 1999 at 2:47 PM by allen*
Pagmasdan ang ulan
unti-unting pumapatak
sa mga halama't mga bulaklak
pagmasdan ang dilim
unti-unting bumabalot
sa buong paligid twing umuulan
kasabay ng ulan
bumubuhos ang 'yong ganda
kasabay rin ng hanging kumakanta
maari bang huwag ka sa piling ko'y lumisan pa
hanggang ang hangi't ula'y tumila na
Buhos na ulan
aking mundo'y lunurin tuluyan
tulad ng pag-agos mo
di mapipigil ang puso kong nagliliyab
pag-ibig ko'y umaapaw
damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
tuwing umuulan at kapiling ka
Pagmasdan ang ulan
unti-unting tumitila
ikaw ri'y magpapaalam na
maari bang minsan pa
mahagkan at maiduyan pa
sakbibi ka't ulan lamang ang saksi
Minsan pa ulan
bumuhos ka't huwag ng tumigil pa
hatid mo ma'y bagyo
dalangin ito ng puso kong sumasamo
pag-ibig ko'y umaapaw
damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
tuwing umuulan at kapiling ka
|
|
FEATURES
halloween
debuts
birthdays
grad ball
PICTURES
block pix
trip to EK
miscellaneous
studio pix
SITE MAP
GUESTBOOK
sign
| view
|